Thursday, August 06, 2009

Wow MAGIC! Cory's MAGIC!!

"Siya nga ba, ang laki ng issue ng pagkamatay niya." That's the thing I always hear from children.
You know what? I can't blame them. Even me, as a part of the youth don't know much about Tita Cory.
Sino nga ba siya?
Nakikilala ko lang naman bilang isa sa mga presidente ng Pilipinas. Ang asawa ng magiting na si Senador Benigno Aquino. At siyang nagpaalis ng diktador na presidente na si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Yan, ang mga alam ko tungkol sa kanya na napag-aralan ko noon sa Philippine History subject namin.
Sa aking paglilibot (kahit hindi naman talaga naglilibot, nagsusurf lang ako dito sa net eh) marami akong nakitang mga news na tungkol sa kanya. Lalo na kapag i open ko ang YAHOO! Homepage, puro si Ginang Cory ang laman, lahat ng picures, articles. Ganoon na nga ba ka importante?








Kahit sa pagpunta ko sa aking tambayan sa PinoyWAP maraming articles ang tungkol sa kanya. Lalo na't mapuno ang isang pahina ng mga articles tungkol sa kanya.





Kahit ang ibang sites nagbigay pugay.





Kahit sa Friendster may makikita ka ring Yellow Ribbon




At naging fan pa ako ng profile niya. Kaya kayo din ah. Heto ang address ng friendster fan profile niya http://profiles.friendster.com/coryaquino




Kahapon, August 5, nasaksihan ng buong mundo ang madalamhating pagpugay ng buong Pilipino sa paghatid sa huling hantungan patungo sa Manila Memorial Park.



Naging memorabilia ang AUGUST 5, 2009 na para sa mga Pilipino. Ito ang araw kung saan nakita ang pagkakaisa muli natin at ng buong mundo.

Tunay ngang naging isang ina si Ginang Cory Aquino. Ina ng Demokrasya at Ina ng Sambayanang Pilipino.

No comments: