Anyways, here in ASIST, we have plenty of parks, such as the garage park. Hehehe. Well, sa totoo lang, hindi naman karamihan ang park dito. Meron lang ditong Science Park/Garden, NSTP Park at Filipino Park. Pero ang talagang pinupuntahan namin ay yung Filipino Park. Pero sa totoo lang, ang Science Park lang ang part ng school na may kinontribute ako sa paggawa. Pero nga lang, hindi maganda yung location niya. Tabi ng C.R. for boys at nasa likuran pa ng Teacher Education Building.
The picture below is the actual Filipino Park. Dito kami madalas magtambay ng mga kapwa kong traydor. Bakit traydor? Pakihanap nalang sa mga nauna kong post. Hehe. Controversial ang Filipino Park! Bakit? Kasi Lugar ito ng kababalaghan, madalas dito ang mga magjojowa na gumagawa ng kababalaghan, madalas din dito ang mga addict na may mukhang kababalaghan. Nandito din ang mga estudyanteng humihithit ng kababalaghan at nakikipagsugal ng kababalaghan. Tunay ngang lugar ng kababalaghan dito.

Ang masaklap lang, nasa harap ng Filipino Park ang Civil Service Commission Office Abra. Hehehe.

Hetong mga upuan na ito, dito kami nagcoconference minsan kapag hindi maiinit. Mga bandang 7:00 am to 10:00 am. Hehe. Yung nasa gitna na parang upuan ay dating lamesang semento yun, ngunit nasara dahil sa bagyo (o dahil sa mga estudyante? ewan ko lang).


Heto ang mga litrato sa Filipino Park during one afternoon:
Yan! Ganyan ang loveteam! kita niyo? hahaha. Puro akbay silang lahat oh. Talagang kababalaghan yan. Hehe. Naiingit nga ako noong kununan ko yan. Simbolo ng pagsisimula ng relasyon na yan. Hehehe

Isa pang picture, ay sayang, wala ng akapan. Bakit kaya? Hmmm, buti pa itong si Pareng Gen-Gen nakukuha pang magpose! Yun sina Mannix at Kristel parang walang nangyari ha? nagbitawan agad. Hehe. Si Darleen patago effect pa baka makita ng tatay baka pagalitan. Hehe. Sana nga makita ng daddy mo itong blog ko. Lagot ka. Bwahahaha.

Heto ang mga kasama ko nagyoyoga si John Paul naguguluhan tulo si Jhonford. Hayon nga pala Teacher namin si Mr. Leandro Alejandre, teacher namin sa social science at CAT. Hahaha, pati si sir tambay din sa amin.

Uy, huwag kayong magulo, magagalit si sir! Sige na nga pose lang kayo! Pose din kayo Sir. Hehe

Ok,now let's have an exercise session with Maestro John Paul:
First, humiga muna at magrelax, hintayin hanggang makatulog, mas maganda kung may takip ka sa mukha gaya nito upang mas malalim ang tulog mo at para may pampunas ng laway mayamaya

Ok, the Second Step, after kang matulog, huwag kang babangon agad, magstrech ka muna ng katawan gaya nito, left and right then left and right, tapos punasan na ang laway before tanggalin ang panyo sa mukha

The Last Step, umopo gaya nito at magdasal ng pagkain na mahuhulog mula sa heaven, ulit ulitin lang ang chant na "uuuuuhhhhmmmm" hanggang magsawa ka

Yan ang mga exercise tips with John Paul.
Here are photos naman on our Pracitce with our Swords to be use on graduation of the seniors.
John Paul: Paghahanda sa Paghawak ng sandata......Lihis......Bunot......Ready.......MALI!!!!! Hindi Ganyan!!!!!

Gen-gen: Sorry po, Pano ba ng tama?
John Paul:Ganito lang yun!

Narrator: Sige, practice lang kayo, ingat lang baka makita kayo ng commandant.

May kakulitan man kami ok lang basta masaya ang pag-aaral. Kasama ito sa buhay eh.