The Abra State Institute of Science and Technology (ASIST) Bangued Campus ay formerly the Abra School Of Arts and Trades (ANTS). Nagpalit lang ito noong 2000 lang para masustain ang school. Ang main campus ng ASIST ay nasa Lagangilang, Abra.
Kung bibigyan ko kayo ng fact, hindi ko maiiwasan na sabihin na ang Bangued at Main Campus ay may malaking conflict. Talaga lang naman, kasi nga pabangayan ang dalawa. Malawak ang main campus, madaming mga students at talagang pang Agriculture ang school, sa dami pa naman ba ng mga fields at piggeries hindi ka na magtataka. Maganda din ang mga spots doon. Yun nga lang, may mga bahay din sa loob ng campus. As in talaga, parang compound na yung school.
Habang ang Bangued Campus naman, hindi kalawakan. Sayang lang kasi ang mga ibang lugar dahil hindi naman nagagamit. Maganda sana kung marerenovate. May mga maraming parte pa na pwedeng gawing building upang magkaroon ng mas madaming classroom.
Pero ngayon, i-describe ko lang ang aming room.
Along the OLD BUILDING, we will walk through the hallway.

Dito tayo mapapapadpad sa door namin, kami ang pinakadulo sa mga rooms. In the other part, sa opposed side ay yung senior students classroom. Gaya ng nakikita ninyo, yung karatola palang magulo na. Sinadya ko lang talagang kunin ng camera yun. Wala namang masama sa pagleletrato hindi ba?
Ang nakakamangha lang naman ay makakakita kayo ng mga napakaraming dumi sa aming room.
Pero ngayon lang naman kami ganito kasi wala namang kaming klase. Tapos na rin kasi ang deliberation of Honors kaya parang balewala na ang finals namin.
Wala ding silbi kasi sa amin ang mga everyday cleaners eh. Ang mga kawawa nga lang ay yung mga leader of every group every day.
Ang isang rason din kung bakit ayaw din namang naming maglinis eh mas homeroom period naman kami. Homeroom period is effective during Wednesday last period in the afternoon. Puro linis linis lang naman ang ginigawa namin tuwing homeroom.
By entering our room, makikita mo pa ang dumi nito. Here are some taken photos of our room

I've taken this photo noong may awayan ang mga classmate ko. Ang rason? Dahil sa akin. Yang bading na naka yellow na yan ang nakikipagburatsyahan sa isa pang kauri niya na lower year. Kasi ang story kasi eh naging kami DAW ng lalaking yan. Nga pala, ang pangalan niya ay Thelmar. Pangalan naman ng kaaway niya ay Robin.

Ganito ang hitsura ng room namin kapag regular days. Yan oh! may nakaupo pa sa teacher's desk. Lupeeeetttt!!!!! Hahaha. Any way, yung nasa blackboard ay yung listahan o yung ginamit na pagbilangan noong nakaraan para sa deliberation of honors. And of course, yours truly, 1st parin sa klase. Hehe.

Heto na noong humupa na ang bangayan nina Thelmar at Robin. They were waiting for the afterschocks. Haha. Kung may dumating man, makikipag usyoso lang ang mga yan kaya mga bata, huwag tularan.

I only taken this photo for granted, hahaha. Heto naman kinunan ko para proof sa grouping sa room namin. Sila yung group na lucky-go-happies (haha, baliktad no?) Ganun talaga pagpasenyahan niyo nalang. OK?

Diyos ko maryosep! Hindi scripted yan ha? Kinunan ko yan kasi nakita ko lang. Pero in fairness ha? Ganyan na ang pagkapinakakintab ng floor namin. Hehehehe. Sino kaya yung kawawang nag-floor wax? hmmmm.
Kahit ganito man ang paaralang napuntahan ko. Alam ko na ngayon na hindi ako nagsisisi na makapunta pa dito dahil kung hindi dahil sa ASIST. Hindi sana ako nag blo-blog ngayon. Hahaha
3 comments:
hi. glad to see someone from the phil, haha.blogs became the outlet of everything you think about ayos a
Hi asistmate. Tapang mo namang magblog. Di ka kaya makick out nyan..jejeje im afraid to post that kind of article in my blog..
wew.transfer na...
Post a Comment