Thursday, March 12, 2009

Ang Pagbabago sa School?! Bat Ganun?

Ewan ko nga lang but maraming mga pagbabago ngayon sa school. Would you like me to enumerate them? hahaha lol.

Here are they...

1st, Si John Paul
Si John Paul ay isang Klasmate ko. Mayroon siyang ugaling di maganda, siguro dahil din sa apelyido niya (sabi niya kasi lahi sila ng medyo masungit). Nagsimula kasi ito noong mayroon kaming mini show na presentation namin para sa English subject namin. Luckily, marami akong kasamang mga bading (alam niyo naman, mas madaling madisiplina, hahaha) pero madami ding mga babae, tapos ang mga kasama ko pang mga lalaki ay puro mga kaibigan ko. HEHE.
Ang nangyari kasi, naging mainit ang kompetisyon namin, bale two groups kasi iyon. Mas lalo na noong malapit na ang presentaion. haha. Todo Practice namin noon. haha. Pero ang naging masamang pangyayari, gusto nang magquit ni John Paul. Ewan ko lang pero dinadamay niya kami eh. Nagkaroon kasi siya ng problema, at ang problema ay nalaman pala ng parents niya na kasali siya ng fraternity. Dito kasi sa Abra uso ang mga yan. Yun, ganun ang nangyari. Ang masama pa doon, siya ang nagturo sa lahat ng mga steps ng mga sayaw, at sinabi na niya doon na bukas na bukas (tomorrow na kasi ang presentation) magprepresent daw kami nang wala siya pero huwag na huwag daw naming gagamitin ang mga itinuro niyang steps. Eh pano yun? Alangan namang para kaming tanga doon sa stage. Pero by the wawy, inayus din namin yun. Pero medyo naiinis ako sa ginawa niya kasi may sinabi siyang hindi ko nagustuhan.

Ganito ang kanyang pagkakasabi:
"okinina yun to paylang amin! Ammo yo? Uray no madi kayo apresent no bigat? Maragsakan nak ta amin kayo ket mafail"

translation : "tangina niyong lahat! Alam niyo? kahit hindi kayo magpresent bukas? matutuwa pa ako kasi lahat kayo mafafail."

Diyan ko nalaman na selfish pala siya. Tsk Tsk Tsk, naaawa nga ako sa kanya.

Pero kinabukasan, naayos din namin. Syempre masaya itong lolo niyo. Todo bigay nga ako sa mga sayaw ko. Lalo na sa play namin na "Text me Not" kung saan kasama ko si John Paul.

But after the play, naging masam pa rin ang loob ko sa kanya, maybe because of what he had said in that afternoon.

In fact we had a 6 months of cold war. Believe it or Not!I know that he is eager to make our friendship back. Yes, i want peace also but I want an apology from him. Pero walang nangyari.

Then.....

Pagkalipas ng madaming months, nandito na ang ELECTION FOR THE STUDENT GOVERNMENT.

Kasi kailangan ko talaga ng mga kaklase ko upang maging co-officer ko this year. Im planning to re-elect as the president of the Laboratory High School Department. Yun kinuha ko sila.

At first, medyo naiilang akong kausapin siya pero yun kinakarir ko pa rin hehe. Una ko talagang kukunin ay si Michael Mannix, siya yung homeroom vice president namin at siya yung kakompetensya ko sa academics. hehe.
Noong una, ayaw nila, pinipilit ko sila pero wala talaga.
But hindi nila alam na nagusap kami ni John Paul, yun yung time na nag-usap na talaga kami for how many months. hehe. Tinanong ko kung gusto niya ba talagang tumakbo, sinabi naman niya OO, hindi lang niya kasi masabi sa akin sa harap ni Mannix kasi nga may balak silang bumuo ng sariling party. Pero kinumbinsi ko siya, ginusto naman niya, pinagpili ko pa nga siya ng position na gusto niya (except vice president and business manager kasi occupied na ang mga yun) pinili naman nya nag maging Auditor.

Hayon, naging ok ang takbo. Ang talagang akala kong nakakalaban ko sa Presidency ay si Edelyn, siya yung sophomore na first ng second year, bale siya yung vice president at that time.

Pero kinagulat ko noong may nagsabi na tatakbo lang daw siya bilang Treasurer.

Nang malapit na ang final filling of candidates, ginusto na rin nina Mannix na sumama sa paritdo ko ngunit naging ugat nit ang hindi pagkakaunawaan ng mga barkada nila. Kaya yun, naaso sa klasrum namin ang ekspresyon na TRAYDOR! hahaha lol

Kaya mula ngayon hindi pa sila nagkakabati, ako nga gusto ko nang maayos ang problema nila upang friends forever ulit.


HAHAHA.


2nd ay ang ACADEMIC COMPETITION

Bale matagal na ito pero now lang talaga na naging grabe. Sa lunes na ang deliberation of honors at gusto kong maibalik ang titulo ko bilang first sa klase. haha Pero ngayon kasing 3rd grading naging 3rd nalang ako, kaya nga ngayon ginigawa ko ang lahat upang maging una pa rin ako.

Ang problema, nagsulputan ang ibat ibang paraan ng pagpapataas ng mga marka sa mga aignatura namin.

Nangunguna na ang tinitag naming BIG SIP (not the juice drink!)
Bale ibig sabihin lang naman nito ay magpasipsip sa mga instructor namin upang makuha ang mga matataas na grades namin. Grabe na ngayon ito. haha

Ikalawa ang KAPIT
Ito naman ay ang pagkukuha ng mga guro na tutulong sa iyo upang maging mataas na naman ang grade mo.

Last na alam ko ay ang HARDWORK
Obvious na ito, ang hard work ay ang pagtratrabaho upang ma earn ang mga matataas na mga grades.









HAHAHAHA


Heto ngayon ang mga ibat ibang pangyayari sa School namin, medyo may kakwelahan lang. hehe

No comments: