Friday, November 02, 2007

Ang tagyawat! nyahaha


heto na! heto na! heto na! ahhhhhhhhh!

ang tagyawat!

hay, nagbibinata na talaga ako. Nagkaroon na ako nang pimples eh, noong isang araw nagising nalang ako nang may isang malaking pimples sa baba ng ilong ko. Ang sakit nga, hindi dahil sa tagyawat, kundi dahil sa pumangit na ako. huhu, pano na yung crush ko.. ang pangit ko na... na ba kasi yan.


(note hindi ako ang nasa pic ha?) mas guwapo ako... joke.

Thursday, November 01, 2007

Ang sama mong singaw ka!



For over a week, kakasimula lang ng sembreak. Sa paggising ko isang umaga, nagulat nalang ako, may singaw ako! Ang sakit magkaroon ng singaw, lalo na kapag malaki ito. Sa pagkakaalam ko nakuha ko ang singaw ko dahil sa pagkagat ko sa mga "gogot" ko, kaya yun, nakaroon na ako ng singaw, ang laking singaw pa nga yun. Sa pagkakaroon ko nang singaw, nahirapan akong kumain, paborito ko pa namang kumain. Kaya konti konti lang mga kinakain ko dahil sa sakit nito. Badtrip nga kung masarap ang pagkaing inihanda sa pagkainan. Pero sa tulong ng gamot na bili ni mama, madaling gumaling ang singaw ko. Isang linggo rin ako nagkaroon ng singaw. Sa ngayon wala na ang singaw ko. Maraming salamat sa Diyos.

Tuesday, October 30, 2007

Ang Gulo!


"Life is a Mystery"

Naniniwal ba kayo dyan? Sa akin ang mystery ay kaguluhan. Gaya ngayon, hindi ko alam ano ang gagawin. Hindi ko alam kung English ang gagawin kong language sa paggawa ng posts ko o tagalog. Ngayon nga nadito ang kapatid kong magulo. Badtrip ang mukha nya, haha. Magulo ngayon, yan naiinis na siya. sa ngayon wala akong alam na gawin. post lang muna ako dito.