Thursday, April 30, 2009

6th Abra Summer Youth Camp 2009

Yeah, katatapos lang ng Summer Youth Camp 2009 at ang saya. Oo, sobrang saya, ang dami ko ngang nakilala. Bale, iba ang expectations kong mangyayari ngayon sa mga nangyari nga.

Well, at first. Wala ako noon nagkaroon ng meeting ang mga kasama ko sa camp. Di ko nga alam ang mga pinagusapan nila. Pero iniiisip ko noon na OK na lahat at naset na. Pero mali. Si John Paul kasi, siya yung naging chairman sa meeting. Kala ko nagusap na sila sa mga gagamiting utensils at foods. Pati na ang mga sasali sa Search for Mr. and Ms. Summer Youth Camp 2009.

Before the day, that night, talagang wala akong pakiramdam. Parang yung dati lang.Kasi naman Three Years na akong nagcamp kaya alam ko na ang mga mangyayari.

So, Heto ang Summer Youth Camp of 2009.


1st DAY.

Ang Paghahanda.


Habang nasa Bahay

Maaga kaming nagising ni Andrew (kapatid ko, kasama kong pupunta sa camp, 1st time nya). Bale, mga 6 AM yun. Ang naging usapan mga 7:30 AM dapat nasa school na kami. Pero ang sabi ni John Paul, wala daw letter na nagawa para ihatid kami ng School Jeep (kasi naman si John Paul, akala ko OK na pati ang mga yun). Umuulan noong araw na yun. Kaya akala naming magkapatid bukas na matutuloy. Kasi naman talangang may makukuha ka pang sasakyan sa ganung ulan. So, text text kami kina Darleen at Raffy (mga kasama din namin) kung tutuloy. Sabi naman nila, nandun na daw silang lahat. Expected ko late na kami at maiiwan kami. Pero wala sa isip ko talaga yung 7:30 AM na usapan. Kilala ko ang ASIST Bangued, Filipino Time kami. Pati din mga program Filipino Time kami. So, mga 6:45 AM nalang kami naligo at sa oras na yun humina na ang ulan. Mga 7:30 AM lapit na maging OK preparations namin. 8:00 AM na nung handa na kami. Wala ng ulan sa oras na yun. Pero naiisip ko, baka umalis na sila. Sabi ni Raffy kasi malapit na yung jeep. Akala ko naghired na sila ng jeep na sasakayan namin papuntang Dolores, Abra (doon gagawin ang camp) so todo bilis kami. Hayun mga 8:35 AM na kami nakaalis, ang hirap kumuha ng tricycle papuntang school eh.


Sa School

Pagdating sa school. Hala, kala ko ba marami na kayo. Uy, nandyan pala sina Ruma at Jhonford. Haha, dami unexpected guys na sumama. Haha, Nakita ko new hairlook ni John Paul. Wait, napaisip ako. Saan sina Gee-Ann, Johnedel at Kristel (please see older posts for more information bout them). Pero anyway, sabi nila, marami pa kaming hihintayin. Ano ba naman Raffy, kala ko ba padating na yung jeep? Bat parang wala tayong sasakyan. Buti nandyan mother ni Ednalyn at Edelyn (magkapatid na kasama din namin) siya na nagrequest sa Admin na gamitin namin yung jeep (Engineering and VIT Dean ang mother nila). Kaya hayun, nakaalis kami.


Ang Pagdating sa Dolores National High School





Wooh, medyo nakakahilo ang pagbyahe. Wala pang 1 hour yung byahe pero nahilo ako ah. Haha. Pagdating namin sa school nakita namin na kami kami palang pala. Pero nakita ko may ibang delegates na nakarating. Ang Heart of Mary School ng Dolores at ang Holy Cross School ng Lagangilang. Haha. Wala pa ang La Union at Bacarra (sila yung laging umaattend every year). Pinili naming ASIST yung dating room namin. Yung Library. Buti nga wala pang nakapunta doon. May rason kung bakit yun yung room na pinili namin. Ang totoo wala kaming dalang Gas Stove, pero dahil sa Library kami, mas madaling magkaapoy dahil sa mga papel. Walang nakakaalam nito, dito ko lang pinost. Sa room namin, nagreready na kami. Maganda na nga yung division ng Girls at Boys sa room namin hanggang sa dumating sina Ryan at Carla (ang magkapatid na anak ng school Registrar). Nagulo na ang usapan. Yung mga table na gagawin sanang Table na pagkainan ginawang higaan pati na yung mga table na gagawin sanang lalagyan ng mga gamit. Sabi nila wala silang beddings na dala, pero a moment later, may nilabas naman sila. So naiba na ang style ng pagtutlog namin. Ginawa namin, may division pa rin kami ngunit against lang ang mga ulo namin. Ginamit namin ang mga Bags namin bilang barrier (ewan ko nga rin, bat ba gusto nilang may barrier, para namang may mangrarape sa kanila). Naging kahiga ko si John Paul, walang magagawa eh. Sina Raffy, Andrew at Jhonfor naman, nahiga sa ilalim ng Table para mas mainit daw. Dun sa araw na yun, nalaman din namin ni Andrew ang mga pinagusapan nila. Nagregister kami kinahapunan, bale, nandyan si Dharen (kasamahan din namin). Ang gamit kasi ni Dharen, magtatanong siya kay Sir Magdaleno "Nel" Espiritu Jr, ang President ng Summer Camp kung pwedeng maging 150.00 PHP nalang ang nbabayaran namin kung OK lang kay Sir. Pumayag naman. Hehe. Pero sa kalagitnaan ng Registration namin. Medyo nagkagulo. Kasi yung pera na binayaran namin, nagkagulo, dahil yung 500.00 PHP na sinuplihan ni Sir Nel nabalik sa wallet nya, pero nung gusto naming ibalik yung buong 500.00 PHP sabi niya hindi daw pwede kasi sa kanya yun. Basta ganun yung problem. Kasi ba naman, dapat 250.00 PHP ang babayaran ng bawat camper in every delegations pero makulit kaming ASIST -Bangued. Di alam ng ibang Delegations about sa 150.00 PHP lang na binayaran namin. Pero nasolve yung problem nung nakuha niya na nagkamali siya, na naisawallet niya yung 500.00 PHP.


Ang Pagstart ng 6th SUMMER YOUTH CAMP


Camp Orientation (5:00 PM - 6:00 PM)

After ng Registration nagkaroon ng mass. Syempre attend ako. Buti may mga sumamang mga ASISTIANs kala ko epal na agad first day palang. Well, sa totoo lang, yun na naman yung unang beses sa taong ito na nag mass ako. Promise. Ang sama ko talaga no? Haha. Well anyway, feeling ko sikat ang ASIST that time, kasi ba naman, sa amin galing yung mga readers. Haha. Sina Raffy para sa First Reading at si Edelyn para sa
Responsorial Psalm. Pagkatapos ng mass, balik room kami. Syempre ligo na kaming lahat for the first program of the week. Ang Acquaintance Program.


Acquaintance Activity and Party (7:00 PM - 10:00 PM)

At first, nakita ko, uyy, daming mga delegates. Syempre mawawala ba naman ang paghahanap ng cute na Girls. Haha. Pero wala eh. Walang matipuhan. Hehe. Wala akong magagawa. Dito sa gabing ito nalaman naming, darating din ang Cauayan City National High School, Cagayan National High School at La Union National High School. Hindi pala makaka attend ang Bacarra Comprehensive National High School dahil sa mahal ang pamasahe.

Sa Program, naging masaya ang gabi lalo na sa ginawang ice breaker. Yung passing of questions. Ganda nun. Mas lalo naman akong naaliw noong gumawa kami ng yell every delegations. Akala ko epal na naman ang ASIST - Bangued pero hindi eh ganda nga cooperation nila. Heto naging yell namin...

Wala Kaming YELL! Wala kaming Yell! Wala kaming Yell! Wala kaming Yell! ASIST!



... Ganda ng yell na yan kasi ginaya yan noong other day. Habang Orientation pa namin, biglang nanguha ng limang boys si Sir Nel, eksaktong kaming lima (kinabibilangan ni Ryan, Jhonford, Ruma, Raffy at ako) ang nasa malapit sa kanya kaya kami yung kinuha. Kala namin kung ano na. Yun pala dumating na ang La Union National High School at nagpapatulong magbuhat ng gamit si Sir. Yun, ang saya saya dahil makikita namin yung participants from La Union. Kala ko marami sila, yun pala anim lang sila (including si Ma'am Fontanilla, yung teacher na kasama nila). Hayon, nakita ko si Ace Ceremonia.





Dati nang kilala si Ace last year pa. Siya yung Tinanghal ding Most Popular last year at Most Active Camper this year. May nakita ding kaming new guys na bago lang sa camp.

Back to the Program...mayamaya ay dumating na yung mga taga La Union. Pinakilala na ni Ace yung mga bago niyang kasamahan sila ay sina...


Ever




Mhayvell




Jake





Jazz




at si

Ariel




Yan ang mga taga La Union National High School. After na Silang Makapagpakilala doon na nila pinakita yung YELL nila. Heto yung yell na ginamit na hanggang sa matapos ang camp ng buong delegations...


Hindi Padala sa Gaya Gaya Hindi Padala sa LAban laban, Hindi padala sa Tooot, Di padala sa tooot tooot di padala sa toooot toooot toooot di padala sa Uhmmmm



...Hayan. NAtapos na ang Program na di pa nakakarating ang Cauayan at Cagayan. After ng Program, nagrequest ang management team na pipili ang every delegations ng kanilang magiging group leaders na dalawa. At dito kami napdpad ni Raffy Apolinar. Haha.

Sa meeting naming mga management (ang mga leaders ng every delegation ay magiging management team na automatically) nakita ko sina Kate at Kea. Mga dating campers ng Heart of Mary. Mga kasama ko na rin ang mga to last year.

At pagkatapos ng usapan bout sa gagawing palaro bukas natulog na kami. ZZZZZZZ.





Day 2.

Unang Pagkagising (7:00 AM)

Unang araw to para sa akin. Kahapon naman kasi ay puro registration at orientation lang naman. Ngayon na makikita ang mga mukha ng campers. At narinig namin mga 1:00 PM dumating ang mga taga Cauayan at Cagayan. Unang Luto ng pagkain ngayon, kinareer namin syempre. Pero punta muna kami sa Palengke syempre, pero kasamaang palad sara pa ang palengke kaya napunta kami sa store.




Sugod sa Palengke!!! Go!!!





John Paul: Hala bilisan niyong bumili! Nakakatakot yung aso, naiihi na nga ako dito.


Lei: Uy, Naiihi daw si kuya John Paul!



Photographer: Smile! Say Masturbate!


ASIST: Smile smile ka jan! Sara na nga yung Market! Sunugin ko yang Camera mo eh.



Hayan.. Nakibili na kami. haha. Eh puro Noodles Binili namin eh. Haha. Ngayon magluluto na tayo! Sugod!





John Paul:Guys, Bat nasan na yung posporo? Hawak hawak niyo lang kanina ha? Di tayo makakapag apoy pag ganito!




Mannix: Uy, Guys. Sure Ba kayo dyan? Baka Masunog Tayo dito ha?

John Paul: Eh, ano bang gagawin natin sa noodles? i aadobo ba natin o igigisa?


Ang Unang Pagkikita (9:00 AM)

Natapos na ang lahat kumain kaya ready na for the first session of the day. At last, makikita na din namin ang lahat ng mga delegates. Pero bago ang lahat sa araw na yun, pinatawag ang Management Team.

Pagdating sa Management Team Room (actually room yun ng mga taga Divine Word College of Bangued, kasama ang isang taga Abra High School at St. Joseph Seminary, doon din ang mga Deputy Camp Directors). Kinakanahan ako that time. Di ko lang alam kung bakit. (siguro dahil makikita ko ang mga taga Cauayan at Cagayan).

Nakita ko sa Room ang mga Taga Cauayan, mukhang masungit ang mga to ah. Haha, nandun din sina Ace at Ever. Sa araw na yun, first time kong nakausap si Ace at Ever. Si Ace at Raffy kasi matagal nang magkakilala, last year pa. Haha. Napag isip ko OK naman pala tong si Ace, mabait naman, pero nakakapansin na snobish siya. Kasi kapag di ka na magsasalita, di ka narin niya kakausapin. Ganun siya nang makausap ko. Si Ever naman, namamansin nga pero nahihiya ang mukha, pag tapos ka nang magsalita parang OK na yun. Pero kung magtatanong ka, makikinig iyon.

After ng discussion naming management about sa distribution ng bawat delegates in every school balik kami sa session hall. Doon nagpakilala kami ulit. Haha. (feeling sikat na kami doon ha? hehe). Nakailang talk lang naman si Sir Nel tapos break na para sa groupings. Lalabas na sana kami ni Raffy sa Session Hall pero piningilan kami ni Kuya Henry (Deputy Camp Director for Special Operations) para ayusin ang mga IDs ng every groups. Hayun, mega ngayat naman naming natapos yun. Eksaktong tapos na kami start na ulit ang session.

Habang nagdidistribute kami ng mga members for every group, si Ace yung kasama ko. Ako may hawak sa lubid ng ipangtatali sa ID (by color yun) at siya naman yung mga IDs. (sosyal, feeling close naman ako sa kanya, haha).

After nun, OK na. Ngayon, kami namang Management Team ang pupunta sa mga groups. Ako naman ang napunta sa Red Team. Kasama kong napunta sa Red Team ay sina Ever at si Carmina. Si Carmina ay ang nag-iisang taga Tuguegarrao.

At first, kala ko swapang si Carmina. Pero may kagagahan din kahit konti. Nagmimeet na kaming mga Red Team. Nakikita ko ayaw namang magsalita ng kasamahang kong taga Management Team so ako na nagsalita, yun mega pakilala ang bawat isa (kahit di naman minememorize ang mga names. Pero pinaalis kaming lahat papuntang Gymnasium o ang Dolores Civic Center. Dun nagusapan namin na kailangang bumoto ang bawat member ng sariling leader at secretary. Medyo nahirapan kami kasi wala pa namang magkakakilala sa isa't isa. Kaya naisip ko ito, tinanong namin kung anong school ang may pinakarami sa kanila. We found out na sa group namin, marami ang mga taga Holy Cross School kaya sinabi ko sa dalawang kasama ko kung Gusto nilang taga Holy Cross na ang magiging leader. Ang purpose nun ay para masunod siya agad, di ba marami ngang taga Hloy Cross sa Group, edi mas madaling susunod ang lahat kung taga doon yung leader. Sinuggest ko din na kung saang school galing yung leader doon na din manggagaling yung secretary para mas madali silang magkausap ng leader at ng secretary. Pumayag naman ang lahat. So, nagakaroon na kami ng Leader at Secretary ang gagawin naman namin ngayon ay gagawa kami ng Yell. Every group dapat may maiprepresent ng Yell. Dito na din magsisimula ang pointing. So, todo support namin kami.

Noong una, wala kaming madecide na Yell, naririnig na namin yung Yellow Greeen na may Yell na sila. Ayaw naman naming magpatalo. Nakita kong magkasama pala sa Yellow Green Team na Management ay sina Raffy, Ace at si Nica, si Nica ay taga Holy Cross School din na nakilala ko dahil kay Raffy.

Sa mga oras na yun, dun na pumasok sina Vanessa at Marichu. Silang dalawa ay taga Cauayan National High School. May sinuggest silang Yell, yan ok may suggestion na din. Nung una, ayoko yung Sugesstion nila, pero walang magagawa, wala nang ibang suggestion eh kaya yun na yun. Napagkasunduan din naming Tatlo (management team na hindi na maki alam sa kanila upang magkakilakilala naman sila at kami namang tatlo ay mag orient din).

Nakilala ko si Ever bilang madaldal at mahilig sumayaw, habang si Carmina naman




Russel of Cauayan National High School and Carmina of Cagayan National High School


kala ko nung una ay tahimik lang at ang ginagawa lang ay ang magpaganda sa sarili. Pero mali ako. Maingay din ang babaeng yan. Hahaha.

Habang nagpraractice pa ang Team namin, mukhang nagkasuduan nila na lumipat ng pwesto, pumayag namang kaming tatlo, so transfer kami sa harap ng stage inside the school.




Dito ang Stage ng School.


Dito na nabuo yung yell. nagustuhan ko na yung idea nina Vanessa at Marichu pagdating namin dito. Napagtanto din namin na humiram ng Base Drum, pinayagan naman kami ni Sir Nel.




Dito nagkagulo sila kasi may umutot. Di narinig yung utot kasi nga sigawan sila kasi nga nagyeyell sila. Pero mayamaya naamoy na nila.




Heto, yung favorite ko to. Yung yell naming Red Team talaga to. Ambulance Red Team!


Bale, heto ang Buong Yell namin, yung Ambulance Red Team lang, kasi ito yung official yell namin hanggang sa last day ng Camp.


(Slow)Ambulance Red Team, Ambulance Red Team. Go get the other team , Go get the other team. (Moderate)Ambulance Red Team, Ambulance Red Team. Go get the other team , Go get the other team. (Fast)Ambulance Red Team, Ambulance Red Team. Go get the other team , Go get the other team.


Haha, may pakendeng kendeng pa yan, kasi pabilis yan ng pabilis.


Late na naming natapos yung Yell kasi nga pursigido kaming manalo. Haha. Pero kinailangan nang mastop yung practice kasi Lunch Break na. Pero may konting pagkaayus na nung Yell. Mamaya na namin iprepresent yun, after Lunch.


****LUNCH LUNCH LUNCH****


.....To be Continued....

Sunday, April 05, 2009

pinoyWAP! Be One of US!


Well, I only just want to advertise this site that I usually visited (actually everyday naman akong nandito sa community site na ito). Hehe. This is the pinoyWAP.

Here in PinoyWAP, you can meet a lot of Pinoys all around the World. You can chat, download, have forum talks and everything all under one site. Im very lucky and proud to say na since nag start itong PinoyWAP, naging member na ako dito, W5C.org pa noon ito.

Magagaling lahat ang mga nandito, pati ang admin at moderators mababait. Mga users dito mababait din, marami ka pang matututunan dito in fields of WEB/WAP downloading (hacking na rin yun), Faiths and Religion talks, Anime Talks, Jokes, Nation Surveys, Current Events/ News, International Updates, lahat lahat.

You can Also Enjoy th Global SMS, Local PH SMS and Load To Plusses Services of PinoWAP. Plusses are credits na iniipon ng bawat member sa site.

So if you want to be one of us, just visit pinoyWAP.nEt or pinoyWAP.oRg

Note: Parehas din lang ang mga yan, parehong server. But i prefer pinoWAP.nEt!