Wednesday, June 08, 2011

Enrollment Receipts

Hello Tita,

Nakapag-enroll na po pala ako. Salamat po sa pera na binigay ninyo... Nakabili na rin po ako ng mga gamit ko sa school.. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Tita, as what you said, nandito na po yung mga resibo noong nag-enroll ako. Nandito na rin po ang mga images nila...



*click image for larger size

White Form










Men's Dorm Fee Receipt







Tuition Fee and Misc. Fee Receipt







Edifice Receipt 
EDIFICE - College of Engineering Student Publication






Student Council/Organization Receipt






Engineering Department Students' Association Receipt






Men's Dorm Other Charges
Foam = P50.00
Cellphone Charger = P10.00






All Receipt


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bale po tita ginawa na po akong regular student... Akala ko po kasi pwede po akong kumuha nung mga namiss kong mga subjects kaya I assumed I will enroll above 25 units up to 30 units this semester... Pero sabi naman po ng Dean namin sa SUMMER ko nalang po i-take ang mga subject na mga yun kasi Minor Subject din daw naman.... Yun rin po naman ang sinabi ng adviser ko.. Kaya sinunod ko nalang po..

Bale 25 Units po ang na-take ko ngayon... Pero nadagdagan lang ng NSTP/CWTS subject kasi hindi ko pa po nakuha yun... Kasama yan sa calculated subject na ite-take this semester kasama nung mga namiss ko...
Parang pinagpili na rin po nila ako kung ano yung mas ipra-prioritize ko pong mga subject na kukunin... As recommended na rin ni MAMA, NSTP/CWTS na po yung pinili ko...


Mas mabuti na po yun na piliin ko kasi kung sa Third Year ko pa kukunin po yun magiging hectic na po para sa akin sabi ni MAMA dahil MAJOR Subjects na ang ite-take ko next year....
Pero kahit meron po akong NSTP na pang 1st Year lang eh Regular Student pa rin po ako....


Tita, regarding po pala sa Dorm Fee ko, parang nagkamali po ulit ata ako ng binigay na info...
Nun po sinabi kong P250.00 yung per month namin tapos iniba ko ng P500.00 per month... Pero sa totoo po P250.00 po talaga ang per month sa Dorm Fee ko...



Ang nangyari po kasi tita parang nalito kaming dalawa ni MAMA... Noong Second Semester noong First Year, ang binayad kasi namin is P500.00, kaya akala namin na per month is worth P500.00 pero ang totoo pala noon, P250.00 para sa First Month Pay, at another P250.00 para sa advance payment...
At noong nagsummer po ako, P500.00 ang sinabing babayaran namin... Nagstay po ako sa Dorm noong SUMMER CLASSES ko po... Akala ko po good for one month po yung stay namin for SUMMER pero Two Months po pala kaya P500.00...
Kaya yun po, talagang P250.00 po pala talaga ang per month ko sa Dorm.... I'm so sorry Tita sa maling information noon...



Bale, ito lahat ng report ko... Kung may tanong po kayo.. Paki Message nalang po ako tita sa FaceBook...
THANK YOU VERY MUCH AGAIN TITA AND GOD BLESS!!!!